4 Chapter 3: The Golden Scale

Nananaginip ba 'ko nang gising? Tama panaginip lang ito, hindi totoong first kiss ko ang Tristan na 'to pero bakit... bakit nararamdaman ko ang labi niya sa labi ko? Wahhh! Totoo nga ang halik na 'to, hindi ito panaginip. Akmang ilalayo ko na ang mukha ko nang biglang humigpit ang yakap niya sa 'kin kaya lalong nagkadikit ang mga labi namin. At bigla ay may naramdaman akong basa at malambot na bagay na pumapasok sa bibig ko. Dila? Wahhh!! Dila 'to ni Tristan, ano'ng gagawin ko? Inipit ko ang mga labi ko para hindi makapasok ang dila niya sa 'king bibig. Yuck! Kadiri talaga 'tong lalaking 'to, gusto pa 'kong e-frenchkiss.

"Por favor, abra los labios," mahinang usal niya. Ano daw? Por favor? Spanish 'yon ah. Hindi ako espanyol kaya hindi ko maintindihan 'yong sinabi niya.

Parang lalo siyang naging agresibo at sa isang saglit lang ay natagpuan ko naman ang aking sarili na tumutugon sa halik niya. What the heck? Nagfe-frenchkiss kami! Kanina lang nandidiri ako pero ngayon lumalaban na 'ko sa halik niya. First time ko ito kaya hindi ako masyado marunong.

First kiss ko lalaki? Sandali lang hindi ito tama. Iniwas ko ang aking labi at tinanggal ko ang pagkakayakap ni Tristan sakin. Tinulak ko siya palayo pero nanatili pa rin siyang tulog, hindi man lang siya nakaramdam.

Nilingon ko ang wall clock at nakita ko ang oras, five pa lang ng madaling araw. Gusto ko pa sanang matulog pero hindi na pwede dahil 7:00 am ang pasok ko kaya bumangon na 'ko at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay bumalik na 'ko sa kwarto para magpalit ng damit at nadatnan ko si Tristan na tulog pa rin, sa subrang himbing ng tulog niya ay para siyang mantika na ipinasok sa ref. At biglang puminta sa isip ko ang eksena ng paghahalikan naming dalawa kani-kanina lang. Iyon ang unang halik ko, hindi dapat iyon nangyari. Umiling-iling ako para itaboy ang ala-alang 'yon. Hay naku isang pagkakamali iyon. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at tumugon ako?!

Pagkatapos kong magbihis ay hinanda ko na ang aking mga gamit sa klase para sa pagpasok. Ang pagpe-prepare ng gamit ang huli kong ginagawa bago ako umalis ng condo at hindi ang pag-aalmusal dahil doon ako nagbe-breakfast sa canteen ng Yin-Yang para maka-save ng oras at hindi rin kasi ako mahilig magluto dahil hindi ako marunong. Saktong alas sais nang lumabas ako ng unit at naiwan namang tulog si Tristan. Hindi ko na siya ginising at iniwanan ko na lang siya ng sulat sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Sabi ko sa sulat, "Salamat sa pagtulong mo kagabi, salamat sa pagdala ng notebook at libro ko. Sana hindi na magcross ang landas natin para iwas disgrasya. Pakilock na lang ng pinto ng unit ko pag-uwi mo. Salamat!"

Ilang minuto lang ang lumipas at narating ko ang Yin-Yang. Dumiretso ako sa canteen at doon nag-breakfast. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na 'ko at tumungo sa building of mathematics, 4 storeys iyon at bawat floor ay merong tig-aanim na lecture room. Nasa first floor ang sa freshmen, second floor para sa mga sophomore, third floor para sa mga juniors at fourth floor naman para sa mga seniors.

Papasok na 'ko sa pinto ng lecture room sa algebra nang may marinig akong tumawag sakin.

"Shero!"

Lumingon ako sa 'king likuran at nakita ko si Canzo. Siya ang tumawag sakin at kasama niya si Lesha. Mga kaklase ko sila at tinuturing kong mga best friend. Dito ko lang sila nakilala sa Yin-Yang dahil pareho kami ng kursong kinukuha, BSBM.

"Good morning," nakangiting bati ko nang makalapit sila.

"Good morning din," sabay na tugon naman nila.

"Ano'ng problema at parang byirnes santo ang mga mukha niyo?" tanong ko. Napansin kong parang may pagkabahala sa mga mukha nila.

"Hindi pa nakakarating sa 'yo ang masamang balita?" tanong ni Canzo.

Umiling ako.

"Tara sumama ka sa 'min para malaman mo," ani Lesha at hinila ako sa kamay.

Habang patungo kami sa west part ng campus kung saan naro'n ang student center ay walang may umiimik sa 'ming tatlo. Ayaw nilang sabihin sa 'kin kung ano ang problema kaya nagtataka ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Bigla ko tuloy naisip na baka nakabalandra sa announcement board ang picture ng mukha ko dahil sa ginawa ko kagabi. Pero walang CCTV sa campus kaya malabo 'yong mangyari maliban na lang kung merong crimson na naka-capture ng mukha ko sa kanyang celphone. Ito nga pala, bawal ang celphone sa school pero sa mga crimson okay lang na magdala sila. Napakaunfair pero ano ba'ng magagawa naming mga grey class? Wala. Pareho lang ang school rules ng crimson at grey pero walang action ang Dean kapag lumabag ang mga crimson 'tulad na lang ng pagdala ng celphone at kung ano-ano pa. Kami namang mga grey class napakamasunurin at mababait kapag school rules na ang pinag-uusapan. Takot kaming bumali sa mga rules, pwera na lang sa ginawa ko kagabi. Excempted 'yon dahil importante 'yon sakin dahil grado ko sa algebra ang nakasalalay do'n. Hindi naman sa sinasabi ko na tama iyon pero 'di ba at least may rason kung bakit sinuway ko ang time-rule.

Lumakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa student center at nakita ko roon ang kumpulan ng ibang mga grey, naro'n sila sa harap ng malaking announcement board at nakikiusyuso. Sa dami nilang nakikiusyuso roon ay hindi ko makita kung ano'ng nakapaskil doon. Kinakabahan akong sumali sa kumpolan nila at iniwan ko sina Canzo at Lesha para makita ang announcement sa harap.

"Excuse me... excuse... excuse..." panay ang excuse ko sa ibang grey hanggang sa wakas ay narating ko rin ang harap ng announcement board. At mismo sa harapan ko nakita ko ang schocking report. Binasa ko ito sa mahinang boses.

"Wanted culprit! One grey male had been seen luring inside the campus around 7:00 last night, however the crimson night keepers were not able to capture him. The crimson class found out that the Golden Scale of Yin-Yang was gone the same time the grey male was seen. He was indeed a direct suspect. Whoever knew this grey please surrender him immediately or a great change will rise. By: Office of the Dean."

Malalim akong nag-isip habang sumisiksik sa ibang grey palabas at pabalik sa kinatatayuan nina Canzo at Lesha. Hindi ako umimik sa kanilang dalawa at nagkibit balikat na kunwari'y wala akong kaalam-alam tunkol sa sinasabi sa report.

Bumalik kami sa mathematics building at saktong pagdating nami'y dumating rin ang propesor. Nagsimula ang long test at hindi ako makapag-concentrate. Pumapasok sa isip ko 'yong nabasa ko sa announcement board. Oo, aminado akong pumasok ako sa Yin-Yang kagabi pero wala akong kinalaman sa pagkawala ng Golden Scale. Ang golden scale ay pagmamay-ari ni Dr.Leo Eza na siyang nagpatayo at may-ari nitong unibersidad ng Yin-Yang. Ang golden scale ang sumasagisag sa Yin-Yang University, ito ang badge ng paaralan na sumisimbulo sa balanseng mundo, sa araw at gabi, at sa liwanang at dilim.

Ang golden scale ay yari sa purong ginto, maliit lang iyon at may timbang na 1.20 lbs.. Ayon sa nabasa kong impormasyon ay mahigit dalawang daang taon na daw iyon at galing daw iyon sa mga ninuno ni Dr.Eza na isang filipino-japanes. May mga kwentong nagsabi na ang golden scale daw ang swerte sa pamilya nina Dr.Eza kung bakit naging matagumpay at naging mayaman ang kanilang ankan. At kaya daw dinala ang golden scale dito sa Yin-Yang ay para maging mapalad din ang mga nag-aaral dito. Nakadispaly ang golden scale sa loob ng house of the famous kung saan nakadisplay ang mga award na tropeyo, medal at mga framed certificates ng University mula sa mga parangal. Nakatayo ang house of the famous sa tabi sa kanang bahagi ng student center at bukas iyon during school hours.

Nasa kalagitnaan ako ngayon ng pagsusulit at ang isip ko naman ay lutang. Huminto ang kamay ko sa pagsulat nang may bigla akong naisip. Sandali lang... kagabi nagbrownout. Tama, kung ganun kaya pala nawalan ng kuryente ang Yin-Yang ay dahil may nakawang nangyari at nagkataon namang nandito ako kaya ako ang naging suspek.

"Okay class finished or not finished pass your test paper," narinig kong sabi ng matandang Propesor na si Prop. Herman Gonzaga na nakatayo sa harapan ng klase. Naroon siya sa gitnang harapan at hinihintay ang mga test papers namin.

Natauhan ako sa aking narinig at doon ko lang napansin ang laman ng aking test paper. Sa sampung problem solving lima lang ang nasagot ko. Hindi ko pa alam kung tama ang mga iyon. Wala akong nagawa kung 'di i-pass 'yon sa harapan.

***

Lunch time sa canteen. Kasama ko sina Canzo at Lesha na magkatabing nakaupo sa harapan ko. Nakaupo kami sa pinakadulong mesa malayo sa ibang grey na tulad namin ay nagla-lunch din.

"I heard some rumors kanina na hangga't hindi daw naibabalik ang golden scale ay mamalasin itong school natin at pati tayong mga students," tumigil ako sa pagsubo at tumingin kay Lesha na nagsalita.

"At naniwala ka naman? Hindi totoo 'yan," tugon ni Canzo at sandaling nilingon si Lesha sa kanyang tabi at umiling.

"Well, hindi natin masasabi. Pero 'yong iniisip ko ay kung sino iyong grey na nakita kagabi at kung ano ang big change na sinasabi sa announcement," ani Lesha.

"Guys naniniwala ba kayo na ang culprit ay 'yong grey na nakita ng mga crimson? What if hindi naman pala siya ang kumuha ng golden scale? What if nagkataon lang na nakita siya kasabay ng pagkawala ng golden scale?" mahinahon na tanong ko at hinintay ko ang kanilang reaksyon

Tumaas ang isang kilay ni Canzo. "Hmmm... my point ka diyan, suspect siya pero hangga't walang ebidensya na makakapagturo na siya nga ang kumuha ng golden scale, siya ay mananatiling walang sala," aniya.

"Pwede... pero kung sakali mang mahuli iyong grey na sinasabi sa report for sure lagot siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nawala ang golden scale kaya tiyak expulsion ang ipaparusa sa kanya. Siguradong nage-guilty na 'yon ngayon dahil sa ginawa niya kagabi," sabi ni Lesha.

Huminto ako sa pagsubo ng kanin. "I'm not guilty," bigla kong nasabi. Napatitig silang dalawa sa 'kin.

Kumunot ang noo ni Lesha. "What do you mean?" tanong niya.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko."Guys may aaminin ako sa inyo pero please sekreto lang natin 'to," sabi ko.

"Sure, ano 'yon?" ani Canzo at ibinaba niya sa kanyang plato ang hawak na kutsara't tinidor.

"Ako yung grey na nakita ng mga crimson kagabi dito sa campus," mahinang sabi ko na parang nilalasap pa ang bawat letra na lumalabas sa labi ko.

"What ikaw ang!" malakas na sabi Lesha. Mabilis na tinakpan ni Canzo ang bibig niya at nagsilingunan sa 'min ang mga grey sa ibang mesa.

"Sorry po, nabilaukan lang 'yong kasama namin. She's fine," malakas na bigkas ni Canzo sa mga grey na nakatingin sa direksyon namin. Binawi ng mga ito ang mga mata nila.

Binalingan ko sina Lesha at Canzo. "Relax guys. Ako 'yong pumasok dito kagabi pero I swear hindi ako ang nagnakaw sa golden scale. Bumalik lang ako dito dahil naiwan sa locker ang notebook at libro ko sa algebra," mahinang paliwanag ko.

Binawi ni Canzo ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig ni Lesha. "Kung hindi ikaw ang kumuha ng golden scale, sino?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako.

Umiling si Lesha. "Mabuti at hindi ka nahuli ng mga night keepers kung nagkataon bugbog sarado at kick out ang nangyari sa 'yo," aniya.

"May tumulong sa 'kin na isang crimson kaya hindi ako nahuli."

"Ano?!" sabay na bigkas nilang dalawa. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat at hindi makapaniwala. Parang nabingi sila sa salitang crimson na binanggit ko.

"Huwag nga kayong magbingi-bingihan. Oo, tama 'yong narinig niyo. Tinulungan ako ng isang crimson, ang pangalan niya ay Tristan Armando Razon," sabi ko.

***

Kinahapunan nang alas tres pagkatapos ng last subject ko ay dumiretso na 'ko sa unit ko. Wala na roon si Tristan. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at tulad ng inaasahan ay hindi naayos ang aking higaan. Ano ba'ng aasahan ko sa suplado at mayabang na Tristan na 'yon? Halata namang nagbubuhay senyorito 'yon. Palibhasa lumaki at sinanay siguro na maging tamad kaya gano'n. Mayaman din ang pamilya namin pero kahit gano'n ay marunong pa rin ako sa gawaing bahay, pinalaki kasi ako na responsable ng mga magulang ko, hindi katulad sa Tristan na 'yon. Nakakainis. Kahit ligpitin man lang sana niya itong higaan bilang pasasalamat sa pagtulog dito pero hindi pa nagawa. Kakaasar!

Umupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung alam na ni Tristan ang tunkol sa nawawalang golden scale o hindi pa, pero sana huwag niya akong paghinalaan at huwag niya akong isumbong kahit kanino dahil siguradong mamumuhi at magagalit sa 'kin ang buong estudyante ng Yin-Yang kahit pa sabihing wala akong kinalaman sa pagnakaw ng golden scale.

Napabuntong hininga ako at humiga nang patihaya sa kama. May nakapa ang palad ko sa ilalim ng kumot, isa iyong maliit na piraso ng papel. Kinuha ko iyon at tiningnan. May nakasulat dito,"I dreamt someone was kissing me last night, it felt so real," basa ko.

Alam kong kay Tristan nanggaling ang sulat na 'to. Ano kaya ang dahilan at nagsulat siya ng ganito? Pumikit ako at naalala ko ang ginawa kong pagtugon sa halik niya. Nagtataka ako sa 'king sarili kung bakit ko ginawa 'yon. Lalaki ako at lalaki si Tristan kaya malaking ekis ang nangyari.

Bumangon ako nang biglang tumunog ang celphone ko na nasa ibabaw ng side table, iniiwan ko ito dahil bawal sa school. Binuksan ko ang message na galing sa unregistered number.

"Kinuha ko ang frame mo na may picture ng dalawang dolphin nagandahan kasi ako. Remembrance mo na lang ito sakin dahil sa pagtulong ko sa 'yo. Gracias! Tristan."

Pagkatapos kong basahin ang mensahe ay lumingon ako sa taas ng bintana kung saan doon nakasabit ang frame na may larawan ng dalawang dolphin na ako mismo ang kumuha nang pumunta kami ng pamilya ko sa Subic. Napalaki ang mata ko nang makita kong wala na ang frame doon.

Tristan Armando ang kapal mo talaga, hindi ka na nakontento sa pagtulog mo sa kwarto ko at tinangay mo pa ang picture frame ko. Inuubos mo talaga ang pasensya ko!

ITUTULOY!!!

avataravatar