2 Chapter 2

"When things begin to get so hard and I'm finding it difficult to stay positive, I just kneel and pray, then hope it gets better. It usually does."

ℹ💙

Kakausap lang ni yoona sa doktor at inaapura na siya nito para maoperahan agad ang ina niya.

At noong isang araw pa niya tinawagan si cheche para tanggapin ang alok nito.

Nakisuyo muna siya kay aling mela kaibigan nang mama niya para bantayan muna ito.

Pupuntahan nila ni cheche ang amo ni ate macky at ipinaalam na rin ni ate Macky sa boss nito ang tungkol sa kanya.

Kinakabahan si Yoona habang sakay nang taxi na maghahatid sa kanila kay kamatayan este sa kumpanya na pinagtratrabahuan ni ate Macky pala.

Namangha siya sa laki nang building na binabaan nila.

HFJ Company iyon ang nakalagay sa malaking building na kung hindi siya nagkakamali nasa 30 palapag ito.

Agad silang pinapasok nang guard na nasabihan na pala sa pagdating nila agad silang sumakay sa elevator na magdadala sa kanila sa ika  29 na palapag nang naturang gusali.

Agad silang sinalubong ni Ate Macky nang makita sila nitong lumabas sa elevator.

" kumusta Mama mo Yoona?."

Pangungumusta nito sa nanay niya.

"Stable naman po siya, Iyon nga po kailangan niyang maoperahan agad ate Macky para hindi mauwi sa kumplikasyon ang kalagayan niya."

Naluluhang pahayag niya,binigyan lang siya nito nang nakakaunawang tingin.

"Nasabi naman na siguro sa iyo ni che che kung sino ang amo ko?"

Iginiya sila nito papunta kung saan naroon ang opisina nang CEO o ang may ari ng kumpanyang kinatatayuan nila.

"Ai ate sorry nakalimutan kung sabihin sa kanya ang pangalan." Pahayag ni cheche sabay kamot sa ulo.

"Ganoon ba ok lang iyon, hintayin lang natin nang kunti Si sir may meeting pa kasi siya,

at para siya na mismo ang magpa kilala sayo. maya maya nandito na iyon hwag kang mag alala yoona mabait si boss."

Mabait si ate Macky, sekretarya pa la siya dito, naghintay lang naman sila nang mahigit isang oras bago may lumabas na naka suit sa isa sa mga kwarto na naroon sa loob,iyon siguro ang conference room.

Ilang sandali pa ay pinapasok na sila sa opinsina nang CEO.

Namangha siya sa laki nang opisina nito kaya lang napaka boring nang kulay na purong itim.

Hindi halata na paborito nitong kulay ang black.

Isang naka talikod at naka upo sa swivel chair ang naabutan nila sa pagpasok nila.

" sir andito na po si Miss Yoona."

Pagkuha  ni Ate Macky sa atensyon nito at humarap naman ito sa kanila.

'Oh My God' bulong ni Yoona sa isip.

Ito ang magiging ama nang anak niya.

Kakayanin ba niya iwan ang anak niya sa mala adonis na lalaking ito.

Whoat...

Biglang natigil sa pagpapantasya si Yoona sa lalaking kaharap ng tumikhim ito.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

Bigla siyang na contious sa suot niya dahil naka faded jeans at simpleng blusa lang ang suot nya samantalang ito, necktie pa lang nagsusumigaw na kung gaano kamahal at kaano kayaman ang lalaking ito.

"So you're Yoona Mendez,?"

Tanong nito agad siyang nagpakilala.

"Yoona Mendez po dalawamput apat na taong gulang po sir"

Pagpapakilala niya sabay lahad nang kamay subalit deadma lang ito at hindi man lang nakipag shake hands sa kanya at ang walang modo tinalikuran ba naman siya,pero bago ito tumalimod may nakita pa siyang kakaibang kislap sa mga mata nito ano iyon?

"You can go now Macky, and bring Your friend with you kakausapin ko lang si Ms. Mendez in private"

Sabi ni Drix kina macky at cheche hindi man lang kami pina upo.

Nginitian siya ni Macky Mouthing her Goodluck.

Samantalang ang baliw na si cheche binulungan siya nang 'laway mo bruha, baka malunod ka ang hot at ang yummy ni papa drix ingat ka baka kainin ka nang buhay nang magkasalubong at galit niyang kilay bruha"sabay hagikhik

At dali daling lumabas nang akmang babatukan niya ito sa kalokohang sinasabi nito.

Napailing na lang siya sa gawi nang kaibigan.

At naiwan silang dalawa Ni Mr. CEO HenDrix Felix Jimenez ayon sa nabasa niyang pangalan nito sa ibabaw nang office table niya.

Biglang tumikhim si Yoona, kinakabahan siya sa pinasok niya.

Kaya napa kagat siya sa ibabang labi niya dahil sa halo halong kabang nararamdaman.

Habit niya kasi ang kagatin ang labi kapag kinakabahan siya.

"Stop that" sigaw ni Drix nang hindi namamalayan ni Yoona na nakaharap na pala sa kanya at matiim na naka tingin sa kanya na ikinagulat pa niya

Thank you;

@YajNna20

avataravatar