1 || ᴛʜᴇ ɢʀᴇᴀᴛ ᴘʜᴏʀᴄʏs ||

Phorcys is a kind, and nice man of all.

For him, helping others is a unique choice.

Si phorcys ay mabait, matulungin, matapang at matatag na tao. Nakahiligan na nya ang tumulong lalo na sa mga nangangailangan kahit na nahihirapan sya.

He is a fisherman who lives near the coast. He has a wife named ceto. Their parents are pontus and gaia who live some distance away from where they live. With each passing day, they had a great catch with the other fishermen, but an unexpected turn of events came.

May dumating na mga dayuhan. Ang iba dito ay mayroon panghawak na malalaking armas. Sa madaling salita ay isa silang mga armadong lalaki. Mga balbas-sarado, at mayroong nakamamatay na tingin.

Patungo sa pabrikang malapit sa baybayin kung saan sila nakatira, tinahak ng armadong ito ang dagat upang makapunta sa paroroonan.

Sakay ng bangka sila Don Emanuel—ang pinuno ng grupong seven thugs shadows na kinakatakutan sa isa sa mga karatig baybayin nila phorcys at ceto.

Binaybay ang daan patungong pabrikang pagmamay-ari ni Don Emanuel, kung saan nabubuo ang mga illegal transactions.

"Gusto kong huminto dito at lakarin ang daang ito patungo sa pabrika." Gamit ang napakalalim na tinig ng Don at ang napakalaki at matigas nitong kanang kamay, nagpagalaw-galaw ito habang itinuturo ang daan na dapat nilang tahakin.

Habang tinatahak ang daan, lumapit ang Don sa kanyang kanang kamay na si Damian.

"Damian, gusto kong magmatyag ka sa paligid dahil baka mayroong nagmamanman saating mga galaw. Habang ang mga natitira mo namang mga kasamahan, ay gagawa ng plano upang maisagawa natin ang matagal na dapat na nangyari, huwag kang mag-alala bata dahil ipapaalam ko naman saiyo ang aming pinagplanuhan—ikaw pa ba? Malakas ka sakin eh." Mahabang salaysay ng Don sa kanang kamay nito na tanging tango na lamang ang naibigay na sagot habang ang mga mata nito ay deretso lamang ang tingin.

Habang nagbubuo ng plano ang iba pa, si damian ang nagbabantay sa paligid, nagmamanman, katulad ng ipinag-utos ng Don sa kanya. Sa kabilang dako naman ay nandoroon lamang si phorcys, malayo sa pabrika habang pinagmamasdan ang isang lalaki, na para bang isang maling kilos lamang nito todas na ang kalalabasan nya, at higit sa lahat lalo na sa mga anumang posibleng mangyari.

Ang Don naman ay nagpapadukot ng mga tao para gawin itong alipin. Grabeng hirap ang dinadanas ng mga nagiging alipin ng Don, dahil kung sa ibang alipin ito ay uutos-utusan lang—sila naman ay halos patayin na ito sa kanilang mga kamay.

Naglalayag sila phorcys kasama ang iba pang mangingisda. Magkakalayo ang kanilang mga bangka para hindi magka-agawan sa mahuhuli.

Babad sila sa araw lalo na si phorcys habang iwinawagayway nito ang gamit na lambat sa katubigan.

Tagatak sa pawis habang unti-unting nakakaramdam ng gutom at pagkauhaw.

Sandaling nagpahinga ang mga ito, pero hindi katagalan ay nagbalikan na ito sa kanilang ginagawa.

Abala si phorcys sa pag-ayos ng kanyang lambat. Nagkanda buhol kase ito matapos muling iangat para magpahinga.

Hindi nya alintana ang napaka-init ng sinag ng araw,sapagkat mas lalo nyang ipinag-igihan ang pagwagayway sa lambat.

Ilang oras ang lumipas sa paghihintay na maraming isda ang mahahakot, ngunit laking pagkaka-lito nila dahil bilang na lamang ang isdang kanilang nahuli.

Maggagabi na nang makauwi ang lahat ng mangingisda. Abot tanaw na ni phorcys ang mga asawa ng kasamahan nya sa pangingisda, kabilang na dito ang kanyang asawa—si ceto.

_____

Ilang araw ang lumipas at paulit-ulit na ganon ang scenario sa baybayin nila. Hindi malaman kung anong nangyare at tila ba unti-unting nawawala ang mga isda. Isang hapon ay umalis sila phorcys upang magpunta sa pamilihan. Hindi mawawala dito ang paggamit nila ng bangka upang mabaybay ang daan.

Kinakailangan talaga nilang umalis, kung hindi nila gagawin ito maaari silang lahat mamatay sa gutom.

Binili nila ang lahat ng kinakailangan nila, simula sa pagkain at iba pang mga kagamitan.

Abot tanaw na ito nila phorcys. Ngunit ganon na lamang kalaki ang kanilang pagkagulat dahil pagbalik nila ay nagkakagulo na sa kanilang lugar dahil sa pagkawala ng ibang mga tao.

Patuloy nilang hinanap ang mga nawawalang kababayan sa kanilang isla, hanggang sa sumapit ang dapit hapon ni-isa wala silang natagpuan. Nagpasyang magpunta si phorcys mag-isa sa pabrikang pinuntahan nya noon, hindi nya alintana ang may kalakasang hangin. Gusto rin kase nito na humingi dito ng tulong, dahil nakikita naman nito na angat ito sa kabuhayan. 

Habang papalapit si phorcys sa pabrika, unti-unting bumibigat ang kanyang pakiramdam. Tila hindi na tuluyang maiangat ang kanyang mga paa  dahil sa kanyang nasilayan. Nagtago si phorcys dito upang matignang muli kung tama ba ang kanyang nakikita o baka wala lamang.

Sa pangalawang pagkakataon ay nakita nyang nakatali ang kanyang mga kababayan habang nakaluhod sa buhangin. Sa harapan nito ay nakatayo ang pitong mga armadong lalaki at nasa gitna nito ang kanilang pinuno. Hindi malaman ni phorcys kung ano ang dapat nyang gawin, dahil kabilang sa mga nakatali dito ang kanyang asawa.

Hindi sya makapagisip ng maayos kung ano ang dapat na gawin, sapagkat sya'y mag isa lamang.

"Kayo'y bihag na namin kaya wag nyo ng subukan tumakas, sa ayaw at sa gusto nyo susundin nyo ang mga gusto namin kung ayaw nyo pang mamatay!" Malakas ang naging palahaw ng Don na tila umabot sa kabilang isla.  Kasabay nito pagpapaputok ng baril na hinablot nya lamang sa kanyang katabi na si damian. Hindi naman ganoon kalakas ang putok nito, pero para kay phorcys ay halos magtaasan na ang lahat ng buhok nito sa sobrang takot, takot na baka mapahamak ang mga kababayan nya at ang kanyang asawa.

Dahan-dahan syang umalis pababa sa punong inakyatan nya at dali-daling umalis. Ngunit hindi pa man sya tuluyang  nakakalayo ay namataan nya ang tila kulay itim na umaagos palabas sa pabrika patungong katubigan. Sa sobrang kuryosidad ay tuluyan nya itong nilapitan at dinampian. Pinagkiskis nya ang dalawang daliring nadampian at doon nya tuluyang namataan na isa itong langis. Napaisip sya, 'kaya pala nitong mga mga nakaraang araw ay unti-unting nauubos ang mga isda, dahil pala ito sa kagagawan ng mga armadong lalaki na idenederetso ang langis na galing sa kanilang pabrika. Hindi makatarungan ito dahil sa kanila ay unti unting nagkakamatayan ang mga isda at dahil rin dito ay baka mamatay sila sa gutom.'

Dali-daling umalis si phorcys sa teritoryo ng kalaban at tuluyan ng bumalik sa kanilang isla. Dala ang paghihinagpis sa kanyang kalooban ay hindi rin nya maiwasang magtanim ng galit dito, dahil dito ay tuluyan nang kinain ng galit si phorcys.

Pabalik sa kanila dala ang maitim na awra ay kinalampag nya ng kinalampag ang bawat kabahayan, nag ingay ng sobra hanggang sa tuluyang nang magising ang lahat ng tao sa baybayin. Hindi man intensyon ni phorcys na makagambala ng tulog ay hindi nya pa rin maiwasan lalo na nang maalala nya ang mga kababayan na nakaluhod sa walang awang si Don.

"Bakit tila ibang-iba ka ngayon phorcys? Tila dumilim ang awra mo at makikitaan ng galit saiyong mukha lalo na saiyong mga mata? Anong nangyare?" Si tatang jose, ang pinaka matanda dito sa baybayin namin. Lahat ng tao ay malapit sa kanya dahil sa angkin nitong kabaitan.

"Nahanap ko silang lahat sa kabila kung nasaan ang mga armadong lalaki—sa pabrika na pagmamay-ari ng Don. Lahat sila ay nakaluhod sa buhangin sa harapan ng mga armadong ito. Gusto ko silang bawiin sa gabing ito." Madiin kong ani, nagtipon kaming lahat upang gumawa ng plano para mabawi ang mga kababayan. Ang ibang babae naman na hindi kayang lumaban ay nagprisentang gumawa nalang ng armas, ang mga bata at matatanda naman ay naiwan sa loob ng kanilang tahanan.

Umabot kami ng dalawang oras sa paghahanda sa magiging laban namin. Sinulyapan ko ang mga makakasama ko na inaayos na ang mga armas na dadalhin nila. Kinuha ko ang pana at palaso ko. Hinablot ko na rin ang ilang mga kawayan, at ang sulo na magsisilbing ilaw namin. At bago ang lahat, nagkanya kanyang kuha kame ng babasaging bote na may lamang lambanog at may tela ito papaloob at papalabas. Ito ang magsisilbing pasabog namin pagdating doon.

"Tayo nang gumayak, alam kong hindi nila inaasahan ang ating pagdating." Mahina ngunit matigas kong ani.

Gamit ang bangka at sagwan, binaybay namin ang katubigan papunta doon. Tahimik naman kaming gumayak at nagtago sa bawat punong madadaanan namin, hindi alintana ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aming balat. Malayo palang kita namin na nagkakasiyahan ang mga armadong mga lalaki. Nagkakatuwaan na animo'y walang labanan na lalapit sa kanila. Nagsenyas ako sa kanila kaya agad nilang sinindihan at inihagis ang isang botelya malapit sa pitong lalake.

Nabasag ito at nag-cause ng sunog. Nagkagulo ang pitong lalake at hinanap ang may kagagawan nito. Muli akong nagsenyas kaya naglabasan kaming lahat at sumugod sa kanila. Ngunit bago kame tuluyang makalapit tinutukan nila kame ng armas nila.

"Oh ano?! Nabahag ba kayo?! Ang tatapang nyong sumugod dito sa teritoryo ko ngunit nang tutukan lamang kayo ng baril ay nagsitigil kayo? Naakot ba kayo?" Nagpantig ang tenga ko at hindi nagustjhan ang tabas ng dila ng pinuno nila kaya sumabat ako sa kanya.

"Hindi porke tinutukan nyo kame ng armas na hawak nyo ay nahabag na agad kame. Hindi mangyayari ito kung hindi dahil sainyo" Halos magdikit ang kilay ng pinuno nila kaya pinaputukan nila kame sa paanan, napaatras kame kaya binato namin ng botelyang may apoy na, natamaan ang isa sa kasamahan nito at unti-unting nagliyab ang kasuotan nito.

Nagtatatakbo ito papunta sa katubigan ngunit huli na dahil tuluyan na syang kinain ng apoy. Paunti-unti ay bumagsak ang kanyang katawan sa buhangin at patuloy na nagliliyab.

Nang lingunin ko ang kanilang pinuno kita ko ang galit sa mata nya katulad ko. Sinugod nila kame kaya umamba kame ng pag-atake. Nagkandahiwa-hiwalay kame ng mga kasamahan ko, ang pinuno naman nila ay nagtatatakbo papalapit sa bangka.

"DON EMANUEL, KUNG HINDI MO BINIHAG ANG KABABAYAN NAMIN PATI ANG ASAWA KO HINDI ITO MANGYAYARI SAINYO!" Malakas kong palahaw at hinagisan sya ng isang kawayan na tumama naman sa kanang binti nya. Natumba sya sa tubig at pagapang na nagpunta sa bangka, ngunit bago sya makalapit doon ay hinablot ko ang kwelyo nya at pinatayo sya. Umaagos ang dugo sa kanang hita nya na humahalo na ngayon sa tubig.

Malakas ko syang nasuntok sa kanyang panga na nagpatumba sa kanya, sumakit ang kamay ko dahil sa pagsuntok, sino ba namang hindi? Malaking tao si Don halos bato-bato pa ang katawan nya.

Nagpalitan kame ng suntok,sipa,tadyak, hanggang sa tuluyan na syang bumagsak. Kinuha ko ang baril nya at itinutok ito sa kanya.

"Sinabi ko sayo Don Emanuel, hindi ito mangyayari kung hindi mo binihag ang mga kababayan ko at ang aking asawa. Magpaalam kana sa buhay mo." Ilang beses kong kinalabit ang gatilyo hanggang sa nawalan sya ng buhay.

Natapos ang labanan ng grupo ng Don sa kababayan ko. Nakikita ko na maraming sugatan sa kanila, ang mga nabihag ay napakawalan na. Nakita ko ang asawa ko na patakbong lumapit saakin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"Ligtas kana mahal ko, wala nang manggugulo sa saatin." Bulong ko sa kanya at hinagkan ang kanyang noo. Nakatingin lang saamin ang kababayan namin, maglalakad na sana kame ni ceto ng maramdaman kong parang may mali. Lumingon sya sakin ng nakangite, ngunit hindi ko ito matugunan. Binalingan ko sya ng tingin pati na rin ang mga kababayan ko, naramdaman ko na unti-unti akong nalalayo sakanila, nakita naman nila yun at nagsilapit saakin. Tinakbo ako ni ceto ngunit katulad ng bilis nya ay ganon rin ako kabilis na nalayo sakanila. Naramdaman kong nahinto ako, nang sulyapan sila, malayo na ako sa kanila. Hindi na sila nakasunod sakin naramdaman ko naman na unti-unti akong lumulubog. Ngunit bago tuluyang mangyari iyon, nabaling ang tingin ko sa asawa ko.

"Mahal kita" ani ko at tuluyan nang nalubog.

»ᴠᴏᴛᴇ

»ᴄᴏᴍᴍᴇɴᴛ

/sʜɪᴇʟᴀʙʟᴜᴇ

ᴛʜɪs ɪs ᴏɴʟʏ ᴀ 2000 ᴡᴏʀᴅs ɪ ɢᴜᴇss ᴀɴᴅ ɪ ʜᴏᴘᴇ ʏᴏᴜ ʟɪᴋᴇ ɪᴛ. ᴛʜᴀɴᴋs, ᴋᴇᴇᴘ sᴀғᴇ ᴀɴᴅ ʟᴏᴠᴇʟᴜᴛs

avataravatar