1 Until Then

"Hindi naman talaga tayo maghihiwalay. Sasabihin lang natin na break na tayo pero hindi talaga tayo magbbreak."

"Magpapanggap tayo, yun ba yun?"

Tumango si Joy bilang sagot.

"I'm sorry. Lagi kase kaming nag-aaway ni Ate Jinky tungkol satin."

Naiintindihan ni Elaine ang ibig sabihin ni Joy, ang hindi nya lang maintindihan ay kung bakit ayaw na ayaw ng ate nya sa relasyon nilang dalawa.

"Mas gusto nya si Michelle para sakin."

Sumang-ayon na lang si Elaine sa gusting mangyari ni Joy. Alam nyang wala din naman itong magagawa dahil mga high school student pa lang sila. Pero kahit na ganun, alam nilang parehas na totoo ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. At ang tanging hiling lang ni Elaine ay yung balang-araw ay matanggap sila ng ate ni Joy.

May isang linggo na silang palihim na nagkikita pag nasa apartment na sila. Minsan pa ay mas excited pa silang pumasok kesa umuwi dahil mas malaya nilang naya-yakap at nakaka-usap ang isa't-isa sa kanilang eskwela.

"Nagkita na naman kayo!" Dinig ni Elaine sa sigaw ng ate ni Joy. "Sinabi ko naman na sayo na ayoko sa kanya! Ano nagkabalikan kayo?"

"Nakatira tayo sa iisang apartment, classmate ko ang ate nya, anong gusto mong gawin ko? Layuan ko din yung ate nya dahil lang ayaw mo sa kanya?!"

Naging mas maingat pa sila dahil sa nangyaring pagaaway ng mag-ate. Ang Ate Rhea na nya ang laging nagpupunta sa bahay nila Joy para wala ng masabi pa ang ate nito. Sa eskwela na lang nila nagagawang mag-usap at ginagawa ni Elaine ang lahat para maging sulit ang maikling oras nila na magkasama.

"Happy birthday Elaine!" Bati sa kanya ni Ate Jinky na kina-gulat nya.

Hindi ba't ayaw nya sakin? Naisip ni Elaine. Sabagay, hindi naman masamang batiin yung taong may birthday kahit na ayaw mo sa kanila, diba?

"Ano bang problema kay Elaine? Mabait naman sya ah!" Narinig ni Elaine na sabi ng Kuya Ricky ni Joy.

"Mabait?" si Ate Jinky. "Kung nakita mo lang kanina kung panong tinignan nya lang ako nung binati ko sya! Binati ko sya dahil birthday nya pero tinignan nya lang ako kaya wag mong sabihin na mabait sya Kuya."

Hindi naman sinasadya ni Elaine na tignan lang sya kanina, nagulat sya. Hindi nya inaasahan, alam nyang 'thank you' ang dapat nyang sabihin pero hindi nya nagawang sabihin dahil sa pagka-bigla nya.

"Kahit naman siguro ako kung ganyan na pinag-sisigawan mo na ayaw mo sakin ay titignan lang kita pag binati mo ko sa birthday ko." Sagot ni Joy, napa-ngiti si Elaine.

"Bakit kayo mag-kasama ni Michelle kahapon?" tanong ni Elaine kay Joy.

"Niyaya sya ni Ate sa bahay tapos inutusan nya kong bumili nung paalis na si Michelle."

"Wala naman syang gusto sayo diba?"

Hinawakan ni Joy yung kamay nya't hinalikan ito. "Alam nyang mahal kita."

Kahit na hindi yun yung sagot na gustong marinig ni Elaine, hindi na lang sya nag-salita. Alam naman nya na sya ang mahal ni Joy at sapat na yun sa kanya.

"Ha? Akala ko ba okay sya sa inyong dalawa?" Tanong ni Minette kay Joy nung ikwento nya dito yung nangyari.

"Nung una pa lang ayaw na nya sakin."

"Pero bakit nung tinanong sya sabi nya okay lang? Baliw ba sya?"

Lagi syang tumatakbo sa Ate Minette nya pag may iniisip sya, pag nag-aaway sila ni Joy, laging ang Ate Minette nya ang pinu-puntahan nya na nakatira lang din sa kalapit na pinto nila.

"Ate Meng, binati nya ko nung birthday ko eh."

"Seryoso?" Hindi maka-paniwalang tanong na naman nito na tinanguan nya lang bilang sagot. "Wag mong sabihing nag-thank you ka dahil kakaltukan kita!"

Umiling sya. "Hindi ako naka-sagot. Alam ko na dapat mag-thank you ako pero ewan, hindi ako nakapag-salita, wala akong nasabi, tinitigan ko lang sya."

"Hulaan ko, sinabi nya na naman na ang bastos mo?" Tumango sya ulit. "Alam mo nang-gigigil na ko sa babaeng 'yun ah!"

Natawa sya. Kahit papano nabawasan yung iniisip nya dahil sa mga sinabi ng Ate Meng nya.

"Crush mo ba si Ate Meng?" Tanong sa kanya ni Joy isang araw sa eskwela.

"Anong klaseng tanong yan?"

"Maayos na tanong. Crush mo ba si Ate Meng?"

"Alam nya na mahal kita at girlfriend kita. Tska isa pa, bestfriend ko sya. May boyfriend sya."

"Hindi yan yung sagot na gusto kong marinig!"

"Hindi! Hindi ko sya crush! Ano bang pinag-iisip mo? Bestfriend ko sya, hindi tayo makapag-usap sa apartment dahil sa Ate mo, wala akong ibang maka-usap maliban sa kanya!"

"Ang dami-dami mong pwedeng maging bestfriend bakit sya pa? Ni hindi kayo magka-edad!"

"Dahil nabibigyan nya ko ng payo sa kung anong dapat kong gawin sa sitwasyon naten! Dahil komportable akong kausap sya at dahil hindi sya katulad ng ate mo!" Hindi nagsalita si Joy kaya nagpatuloy si Elaine. "Tska bakit ikaw? Sa dami-dami ng pwede mong maging bestfriend bakit yung taong pinipilit pa sayo ng ate mo? Atleast ako alam ko na walang issue samin ni Ate Meng, eh kayo ni Michelle? Nung tinanong kita kung may gusto ba sya sayo hindi mo din naman sinagot yung tanong ko ah, pero may narinig ka ba saken? Wala naman diba?"

Iniwan sya ni Joy sa garden ng eskwela nang tumunog yung bell hudyat na tapos na ang break nila. Bumalik sya sa classroom nila na iniisip pa din yung nagging sagutan nila Joy.

Alam nya na mali, maling naghiwalay sila ng ganun, ng hindi nakakapag-ayos. Hindi na din nya nakontrol yung sarili nya kanina dahil sa mga walang kabuluhang pinagsasabi ng nobya nya.

Tumakbo agad si Joy palabas ng gate ng eskwela nila pagkakita sa Ate Meng nya na kumakaway sa kanya. Tinext nya ito na kung wala itong pasok sa trabaho ay kung pwede ba sya nitong sunduin at eksakto naman na day-off nito.

"Hindi ko alam kung pano ako magso-sorry sa kanya Ate."

"Alam mo feeling ko, hangga't hinahadlangan kayo ng ate nya, hindi kayo magiging okay. I mean, okay kayo pero alam mo yun, hindi magiging okay yung relasyon nyo, mas lalong magiging complicated. Ngayon pa nga lang 4 months pa lang kayong nagpa-panggap na hiwalay may ganyan na nangyare, pano kung mas hadlangan pa kayo ng ate nya? Aabot yang pag-papanggap nyo ng taon, gusto nyo ba yun? Gusto mo ba yun? Lagi kayong magtatago para i-celebrate yung monthsarry at anniversary nyo?"

"Anong gagawin ko?"

"Wag mo sakin tanungin yan. Yang tanong na yan para sa inyong dalawa kase yung sagot sa tanong na yan hindi ko kayang ibigay sayo dahil yung sagot eh nasa sa inyong dalawa ni Joy."

Ilang araw na pinag-isipan ni Elaine kung anong sasabihin nya kay Joy para magka-ayos sila. Ayaw nyang mag-sorry lang, ayaw nya din namang hanggang dito na lang yung relasyon nila, lalo na't dalawang buwan na lang ay anniversary na nila.

"I'm sorry," bungad sa kanya ni Joy nung nag-usap sila sa may eskwela nila. "Hindi ko dapat sinabi yun, akala ko kase-"

"Sorry din. Hindi ko dapat sinabi yung mga sinabi ko, nadala lang ako. Pero sa tingin ko hanggang dito na lang tayo."

"Elaine.."

"Hindi ako nakikipag-hiwalay sayo dahil hindi na kita mahal at hindi dahil sa nangyari. Nakikipag-hiwalay ako dahil sa tingin ko hindi tayo titigilan ng Ate mo. Mahal kita, alam mo yan. Sobrang mahal na mahal kita. Lalaban tayo kaso hanggang saan? Hanggang saan naten kayang lumaban? Hanggang kelan tayo lalaban? Lalaban tayo hangga't magsawa ang Ate mo sa kakahadlang sating dalawa? Pero kelan sya titigil? O may balak pa ba syang tumigil sa paghadlang saten? Gusto kong lumaban hanggang sa huli, alam mo yan, kaso ayokong ako lang."

"Lumalaban din naman ako ah."

"Alam ko. Kaso kahit anong laban natin kung mas malakas sila saten, kahit lumaban tayo hanggang sa huli, talo pa din tayo. Ayaw nila satin at kahit anong gawin natin, hindi nila tayo kayang tanggapin."

"Please.. Ayoko, hindi ko kaya.." Naluluhang sambit ni Joy.

"Hindi ko din naman kaya, kaso kelangan. Hindi ibig sabihin nito ay sumusuko na tayo, pwede pa naman din tayong lumaban kahit wala na tayo diba? Kase yun ang gagawin ko. Mahal kita, mahal na mahal kaso kelangan na nating itigil to sa ngayon. Pag okay na ang lahat, kung gusto mo pa din ako, kung gusto mo pa din tayo, kung mahal mo pa din ako, baka pwede nating subukan ulit. Baka sa panahon na yun, maging okay na ang lahat, wala ng hadlang, malaya na tayo."

"Elaine.."

"I love you.. Ikaw lang ang mamahalin ko at pag dumating yung araw na hindi na nila tayo hahadlangan, hindi ako magda-dalawang isipin na subukan ulit. Kahit gano katagal, hihintayin ko yung araw na yun, sana ikaw din."

"Maghihintay ako, hihintayin ko yung araw na yun."

For the last time they hugged each other with tears in their eyes. Mahirap pero kelangan. Alam nila na mahal na mahal nila ang isa't-isa baka hindi lang yun yung tamang panahon para sa pagmamahalan nila. Hihintayin nila yung araw na magiging okay ang lahat, na wala ng hahadlang sa kanila, pero sa ngayon papalayain na muna nila ang isa't-isa.

Elaine kissed her on her cheeks, "I love you," she said for the last time at iniwan sa garden si Joy. With heavy heart, she made her way back to her classroom, and that's how their love story ended.

avataravatar