1 1

Okay class, may bago pala kayong kaklase. Iho, come here" Pumasok naman ang matangkad na mistisohing lalaki. Aminado akong gwapo sya pero wala akong pake. "Fafa!" "Ang gwapo" "Kyahhh ang gwapo nya talaga" rinig kong bulungan ng mga malandi kong kaklase tsk "Good morning! My name is carlos.." Hindi ko na naintindihan ang kanyang pagpapakilala dahil nakatuon na ang atensyon ko sa pagd- drawing. Hanggang sa naramdaman ko na laman na may umupo sa tabi ko kaya aking itongtiningnan "Hi, I'm Carlos. You?" Yung transferee pala Tipid na ngumiti ako para hindi naman magmukhang masungit. "chris " "Chris? Hmmm ang cute naman ng name mo. Kasing cute mo" Gulat na napatingin ako sa kanya at napaiwas rin dahil taimtim syang nakatitig sakin. Biglang namula ang aking mukha at bumilis ang tibok ng aking puso 'Damn! Is he making flirt with me?!' "Okay class, dismiss" Natapos na ang klase at lutang pa rin ako dahil sa di makapag move on sa kanyang sinabi Inayos ko na ang gamit ko at nagmadaling tumayo at lumakad paalis para makaiwas sa kanya. Ngunit bago pa ako makalayo, ay dali dali nyang hinablot ang aking kamay dahilan na makaupo ako pabalik "Bakit ba?!" Galit kong tanong sa kanya Ngunit imbes na matakot sya ay isang ngisi na lamang ang kanyang isinukli "Sabay na tayo. Tara" Di na ako makaangal nang bigla nya na lang hilahin ang aking kamay at umalis na Pinagtitinginankami ng mga tao sa bawat lugar na dadainin namin dahil magkahawak ang aming kamay! "Sila ba?" "Ang swerte ni chris. Nakahanap agad ng gwapo" "Ang sweet" Napayuko ako. Tangina kahiya! Rinig ko namang tumawa sya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "D-dito na bahay namin" Nahiya ako sa isiping hinatid nya pa talaga ako mula school papunta diyo sa bahay. At ang mas malala pa ay magkahawak pa ang aming kamay! "Okay. Pasok ka na. See you tomorrow Chris. Good bye" sabi nya ng nakangiti at umalis na Dali dali akong pumasok at napasandal sa may pintuan. Nakahawak ang kamay ko sa may dibdib ko at ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng aking puso. "Tangina. first day na first day nya, nakuha nyang manlandi sakin..." Nagpalit na ako ng damit. Pakatapos kong magbihis ay nahiga ako sa kama ko at nag fb. Nakita kong nag send ng friend request si carlos kaya inaccept ko iyon. Nag patuloy ako sa pag scroll sa newsfeed ng may biglang nag chat Carlos Edgar Magno Galang Active now • : hi ;hello : just got home. Kain ka na. Don't forget to eat your dinner ;alright. : bukas na lang. Can't wait to see you. I miss you already Nagharumentado na naman sa bilis ang aking puso. Kinikilig ba ako? Damn! ——— Time flies so fast, we became best friends. Palagi na syang nandyan if kailangan ko ng tulong. He's always there if i need someone to lean on. Kaya siguro hindi ko napigilang mainlove sa kanya. But, isiniwalang bahala ko na lamang ang nararamdaman ko at nagsimula akong iwasan sya. Dinistansya ko na ang sarili ko mula sa kanya "Iniiwasan mo ba ako?" Sinarado ko ang locker at humarap sa seryosong mukha ni Carlos. Kami lang ang tao dito kaya siguro may lakas sya ng loob para kausapin ako Di ko sya pinansin. Bagkus ay lumakad na ako paalis. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla nya ako isinandal sa mga lockers "Aray!" "Ba't mo ba ako iniiwasan?" Seryosong tanong nito Napaiwas ako ng tingin at nanatiling tahimik "It hurts, alam mo ba yun? Sinisisi ko ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali kasi hindi mo ako pinapansin. I love you. I'm deeply inlove with you!" Gulat akong napatingin sakanya. At bakas sa kanyang mga mata na totoo ang kanyang mga sinabi. Magsasalita pa sana ako ngbigla nya na lang halikan ang aking mga labi! Namilog ang aking mata. Pinilit kong manlaban ngunit sadyang mas malakas sya kaysa sakin. Patuloy lang sya sa paghalik, hanggang sa natagpuan ko na lamang na nanlaban na rin ako. "I love you. I love you. I love you" paulit ulit nyang sabi habang patuloy lang kami sa paghahalikan Patuloy lang kami, nang maalala kong mali ang ginagawa namin. Malakas ko syang tinulak na nagpagulat sa kanya at nababakas sa kanyang mukha ang pagkataka Di ko na iyon pinansin. Iniwan ko na syang magisa na walang lumalabas na kahit anong salita mula sa aking bibig "Tangina. Mahal ko sya. Mahal nya ako pero mali ito. Maling mali at hindi maaari dahil pareho kaming lalaki!" ctto.

avataravatar