webnovel

CHAPTER 2 - Start Of The Class In Willford Montessori School

Nagsimula na ang kanilang klase, si Mr. Alfredo Villavicencio, ang adviser ng 9-Diamond na klase nina Charina, Janina at Amanda, lalo na rin ang mga tatlong lalaki. Hindi alam ng mga bully na ito na sa ibang room sila mapupunta, sa detention room pala. Nabuwisit bigla si Yna nang umalis na sila sa room ng 9-Diamond. "Hay, ano ba naman iyan? Akala ko, doon na tayo sa room ng isang scholar girl na 'yun. So gross," ang sabi ni Yna na tila nagiging sarcastic. Narinig ni Mr. Villavicencio ang usapan ng tatlong bully at pinaalis ang mga ito. "Doon na kayo sa room niyo, start pa lang ng klase, ganyan na naman mga ugali niyo. Hindi dapat tino-tolerate ang bullies na gaya niyo," saad nito. "Umalis na lang tayo dito," ang sabi naman ni Samantha sa dalawa niyang kasama. "Let's go," ang pasigaw na pagyaya ni Delancy sa mga kasama niya.

"Aalis ba kayo? O ipupunta ko kayo sa basement, sa may detention room," sabi ni Mr. Villavicencio sa mga babaeng ayaw umalis sa harap ng room niya. "Sir, aalis po talaga kami dito, pasensya na po," sabat naman ni Yna. "Girls, what if, doon tayo sa basement na sinasabi ni Sir? Tutal, doon naman tayo mapupunta, sa detention room," sagot naman ni Delancy. "At susunod ka naman sa utos ng pakialamerong teacher na 'yun? Delancy? Just shut your mouth, sumunod ka na lang sa mga utos namin. Kagaya lang niya ang mga estudyante niya, so pakialamero, even if the times of war," naiinis na sabi nila Samantha at Yna kay Delancy.

Agad na nagsimula ang flag ceremony sa school na 'yun. Nakasali ang nasa ibang room, gaya na lamang sa mga basement room. Nang makita na nila ang OIC ng school na si Mrs. Rosaline Manansala, natahimik na lang ang mga estudyante ng Willford Montessori School nang mag-announce ang OIC, "Hello, students. Good morning, everyone, I am Rosaline Manansala, ako ang mamamahala sa school na ito. Umaasa ako na maganda ang inyong umaga at araw niyo, araw mismo ng pagbubukas ng klase nating lahat. Alam ko na may napunta na sa mga basement room, pero doon kayo papasok, okay? Sa ibang rooms naman, puwede na kayong magsimula ng klase ngayong araw na ito," ang sabi ni Mrs. Manansala na nag-aanunsyo sa mga estudyante. Agad na pumasok ang mga estudyante sa kani-kanilang classrooms, nagpulong muna ang mga teachers ng Willford Montessori School habang naglilinis sa paligid ang kanilang mga estudyante. Nagulat na lamang si Mr. Villavicencio nang makita niyang naglilinis ang kanyang mga estudyante pagkatapos ng kanilang meeting.

Next chapter