7 CHAPTER 6

Buong gabi kame magka sama ni jules may mga oras din na kasama namin si ems at damiel. Alam ko na medyo may hidwaan sa kanilang tatlo. May mga pagkaka taon kasi na nagpaparinig si damiel at ems, kahit hindi nila sabihin kung sino yun alam ko na alam ni jules na sya yun. Para tuloy may silent war ang tatlo ayaw lang nila dahil kasama ako na hihiya siguro sila na mag-away.

" kasama nyo ba ang big boss nyo dito"? " tanong ko kay jules.

" yup, pero bukas pa daw ang dating nya pina una lang kame mga empleyado para maka pag enjoy naman daw kame " sabay inom nito ng alak.

Napa tango na lang ako sa sagot nya. Dumaan ang ilang minuto tahimik lang kame. Ewan ko ba parang wala na ako masabi, ngayun lang nanyari ito na halos wala na kame ma-topic. Halos parang nagpapakiramdaman lang kame dalawa kung sino ang una magsasalita.

" hon, i think we need to rest now" ayaya nya.

" osige inaantok na din ako" sagot ko.

Tumayo na sya sabay lahad nya ng kamay nya. Tinanggap ko ito at inalalayan naman nya ako maka tayo.

Naglalakad kame papasok sa lobby. Tinanong nya ako kung sino kasama ko sa kwarto ang sabi ko ako lang mag-isa, dahil totoo naman yun ako lang naman talaga. Tinanong ko din sya kung may kwarto naba sya dito kasi kung wala pa pwede naman sya sa kwarto ko tutal ako lang naman mag-isa dun. Ang sabi na lang nya meron na din daw bago pa daw sila pumunta dito naka reserva na ang mga room nila. May kasama din naman daw sya sa kwarto at lalake daw iyon. Dahil sa sinabi nya naka hinga naman ako ng maluwag dahil hindi babae ang kasama nya. Nagpaalam na ako sa kanya na mauuna gusto pa nya na ihatid ako pero sabi ko na lang na huwag na at mapapalayo pa sya.

Naglinis na ako ng katawan at nag bihis na din ako ng pantulog ko. Siguro sa pagod ng ginawa namin kanina eh pagka lapat pa lang ng likod ko sa malambot na kama ay hinila na ako ng antok. Hindi ko na malayan na unti unti na ako naka tulog.

~~~~~~~~~~

Tahimik na naglalakad ang lalaki papunta sa kinahihigaan ng dalaga. Mahimbig na tutulog ang dalaga ang na abutan nito. Inalis ng binata ang coat, shirt at pants nito bago ito tumabi sa na tutulog na dalaga. Dahan dahan humiga patagilid ang lalaki, buong pagmamahal at paghanga ang makikita sa mukha ng lalaki habang tinitignan ang babaeng katabi nito. Maingat na dinampi nito ang kamay sa mukha ng babae, nang hindi makuntento ay hinaplos nya ito ng may pagmamahal at pag iingat ang pisngi ng babae. Hindi sya nag sasawa pagmasdan ang mukha ng babae kahit buong gabi pa nya ito titigan hindi hindi sya magsasawa.

Nang mapadako ang mata nito sa labi ng babae hindi nya mapagilan na hawakan ang labi na matagal nya ng inaasam na halikan. Dahil sa ayaw nya magising ang babae ay na kuntento na sya hawakan ito. Maingat nya inangat ang kamay na bigla kumislot ang babae, hindi man halata ay kinakabahan ang lalake na baka magising ito at magalit sa kanya. Naka handa na sya sa maaring gawin ng bigla itong yumakap sa kanya ng na paka higpit. Gulat man sa ginawa ng dalaga yinakap nya rin ito. Yinakap nya ito papalapit pa sakanya, kaya halos ang ulo ng babae ay nasa dibdib nya. Naka ngiti sya ng ma-realize nya kung ano pwesto meron sila. Bago matulog ang lalake hinalikan nya muna ito sa ulo at mas hinapit pa ang babae.

' you'll be mine soon little girl.... Sleep tight my little girl'  bulong nya sa kanya isip.

~~~~~~~~

Maganda ang gising ko, hindi ko mawari pero parang ang ganda ng gising ko. Hindi katulad nung mga nakaraang araw ngayun kasi parang... ewan basta kakaiba ang gising ko. Kahit medyo weird ang panaginip ko my kasama daw ako matulog kagabi. Pangalawang beses na ngyayari yun na may ibang tao ako pinapanaginipan, ang problema lang hindi ko naman kilala o mamukhaan kung sino yun.

Dahil sa maaga ako na gising, maaga ako bumaba nag coffee at bread muna ako. Hindi ko feel mag rice hindi naman ako diet, basta hindi ko lang feel mag bread.

Pa tapos na ako kumain yung coffee na lang ang inuubos ko nang may pigura ng lalaki sa harapan ko. Nung una akala ko si jules pero nung maamoy ko ang pabango alam kong ibang tao ito. Pagka tunghay ko...

Sya?

Ano ginagawa nya dito?

Ang mata nya at aura nya ay ganun parin katulad nung una naming pagkikita. At ang amoy nya familiar sakin parang na amoy ko sya kanina pagka gising ko. Hindi ko alam pero pag gising ko kanina may ibang amoy ako na amoy nun. Impossible naman na pumunta sya sa room ko eh nasa akin ang susi nun.

" ano yang kinakain mo?" naka tingin sya ngyun sa platito ko wala ng laman at sa kape ko paubos na.

Naka kunot noo ko sya tinignan hindi nya parin inaalis ang tingin nya sa pinagkainan ko kanina. Ano ba problema ng lalaki ito sakin? Tuwing nagkikita kame parang palagi sya may sinisita sakin. Wala naman ako ginagawa sa kanya at 2nd time ko lang naman sya na kita ngayun.

Ng wala sya makuha sagot sakin ay tumaas na ang paningin nya. Ngayun may na iba sa facial reaction nya, naka kunot noo sya sakin hindi katulad kanina na halos wala sya reaction.

" im talking to you little girl" lalo ako napa kunot noo sa sinabi nya.

Little girl!! Ayan na naman sa little girl nya. Bakit ba ang hilig nito tawagin ako little girl. Mukha ba talaga ako bata huh?

" how many times i would tell you na. Stop calling me little girl" angil ko sa kanya.

" do you think na mabubusog ka sa kape at tinapay lang?" he said.

" alam mo ba na importante na mas marami ka kainin sa breakfast" pangangaral nya sakin.

Nagmumukha tuloy lalo ako bata dahil pinapagalitan ako nito. Eh ano ba pake nya kung ayan lang kinain ko. At pano nya na laman na ayun ang kinain ko eh wala pa naman ako sinasagot sa tanong nya.

" how did you know na ayun lang ang kinain ko" nginisian ako ng impakto.

" well for your information mí girl, kanina pa kita tinitignan" shock. Ayan ang reaction ko.

What the?? Ang creepy nya ano ito stalker ko?

" hindi mo dapat pinababayaan ang sarili mo. You should take care your self lalo na pag wala ako sa tabi mo.... Excuse me" may tinawag sya lalaki pagka tapos nga ako sermonan.

Lumapit naman lalaki at may sinabi ito dun at umalis na. Pagka tapos nun seryoso naman nya ako tinignan yung tingin na hindi inaalis sakin na parang any minute pagmali baling lang sya ng tingin mawawala ako sa harapan nya. I feel uneasy sa bawat tingin na binibigay nya sakin kasi feel ko may hinahalukay sya sa pagka tao ko eh. Mabuti pa na umalis na ako tutal tapos na ako kumain at ayaw ko na din maki pag titigan sa kanya.

" where do you think, your going?" naka tayo na ako ng biglang sita nya sakin.

" aalis na tapos na rin naman ako"

" hindi ka aalis little girl"

" at bakit? Ano gagawin ko pa dito?"

" dahil hindi kapa tapos kumain" taas kilay ko sya tinignan.

" excuse me, tapos na ako kumain na kikita mo naman diba"

" hindi pagkain yan at totoong pagkain ay paparating na. Kung ako sayo umupo kana dyan" maaotoridad na saad nito.

" wala ako pake aalis na ako"

" walang aalis sa lamesang ito hanggat hindi pa tapos kumain" pigil nito sakin.

Hindi madiin ang pagka kapit nito sa kamay ko. Pero kakaibang kuryenta ang binigay nito sakin. Gusto ko man alisin ang pagkaka hawak eh wala na ako lakas pa tanggalin. Dahil mukhang ayaw din ako ako paalisin sa higpit ng kapit nya.

Nagtatagisan kame ng tingin ang kanina nyang aura ay nag bago na naman. Mas naging maautoridad ang aura nya ngayun hindi nakaka takot pero nakaka lambot ito ng tuhod.

Ako na ang bumitaw sa titigan namin, padabog na ako umupo sa upuan ng makita ko ang paparating pagkain sa lugar namin. Hindi naka lampas sakin ang ngising aso ng lalaking nasa harapan ko. Nako... Sarap mag eskandalo dito eh kung hindi lang nakaka hiya.,

avataravatar