3 Ikatlong Yugto – CHAPTER 3

Sa pagkakataong ito sumapit na nga ang araw na hindi ko inaasahan

Dumating ang maulang pahanon at Nawala na ang kulay sa kalangitan

Unti unti naring nawawala ang dahilan

Para bumangon at isulat muli ang kwentong hindi pa nasisimulan

Ngunit nagkaroon na ng katapusan

Kasabay rin ba ng pagbabago ng panahon ay pagbabago rin ng taong nakilala ko noon?

Alam ko namang walang permanente sa mundo

Ngunit ang hindi matanggap ng puso ko ay kung paano biglang nagiba ang takbo ng buhay ko

Dati nama'y kasakasama ko kayong harapin ang mga mabibigat na dalahin ng puso ko

Ngunit isang araw nagising na lang ako na wala na kayo sa tabi ko

Pilit kong ipinipikit ang mga mata ko nagbabakasakali na panaginip lang ang lahat ng ito

Ngunit ginising ako ng reyalidad na iniwan niyo na nga ako

At nagsimulang dumami ang katanungan sa aking isipan

Na tanging ako lang rin ang makakahanap ng kasagutan

Isa na rito ay Nakalimutan mo na nga ba ang ating pinagsamahan?

Mas pinili mong manlamig na para bang nyebeng hindi matitinang na kahit na sinoman

Mas pinili mong paniwalaan ang mga kasinungalingan

Mas pinili mong manahimik habang ako'y nangangailangan ng mapagsasabihan

Mas pinili mo ang iyong sarili dahil ika'y hindi napagbigyan sa munting kahilingan

Mas pinili mong isantabi ang pagkakaibagang ating sinimulan

Pilit kong hinahanap kung saan ang aking pagkukulang, handa ko namang punan

Manatili ka lamang

Ganon na lang ba kadaling iwan at bitawan ang mga alaalang pinaghirapan

At sabay na napagtagumpayan

Sa isang iglap ay ako na lamang ang naglalakad sa daang dapat sana'y kasama kitang lumalaban

Naglalakad sa isang daan kung saan hindi alam ang patutunguhan

Sa ilalim ng buwan at mga tala na nagsisilbing liwanag sa madilim kong paglalakbay

At naging saksi sa bawat pagpatak ng mga luha kong walang hinto sa pagpatak

Mailabas lang ang sakit na aking nararamdaman

Sa mga panahong kailangan kita, nasan ka?

Hindi kita Makita, dahil habang tumutulo ang aking mga luha

Ay kasabay ring naaaninag nito ang mga aninong unti unting nawawala

Hindi alam kung paano magsisimula

Babalik nanaman ba sa panahong ako na lang ulit magisa? O ipagpapatuloy ang labang nasimulan kahit na nagiba na tayo ng daang nilalakaran?

Ibibigay pa ba ang tiwala sa mga tao na hindi ko alam kung masasayang ulit ito

Nakakapagod rin pa lang iwan ng mga taong mahal mo

Dahil hindi nagiging sapat ang presensya mo para manatili sila sa tabi mo

O kahit hindi na ako ang dahilan ng pananatili mo

Sana'y ialay mo nalang ito sa ating panginoon

At hayaan na siya ang magbigay ng katotohanang hinahanap mo

Hindi pa nga nakakabangon mula sa pagkakalugmok na dulot ng pagsubok sa nakaraan

Ito'y naulit nanaman sa kasalukuyan

Ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit tayo iniiwan?

Ang totoo ay wala namang tama at malinaw na kasagutan

Ang tanging alam ko lamang ay kapag natapos na ang itinakdang misyon ng isang tao sa buhay mo

Tadhana na mismo ang kusang magaalis nito

Masakit man pero kailangan mong tanggapin na hindi na sila umabot sa dulo ng kwento mo

Mananatili ang mga alaala sa puso mo ngunit hindi ang tao na kasama mong bumuo nito

At sa muling pagkikita ay hindi na ulit tayo magkakilala

Hindi pwedeng tumigil ang mundo mo dahil lang sa mga pangyayaring hindi kagustuhan ng puso mo

May mga bagay talaga na nakatadhanang dapat mong bitawan at dapat mong ipaglaban

Dahil hindi lahat ng patuloy mong hinahawakan ay mapapanatili nito ang kasiyahan

Kaya mas mabuti pang bitawan ang mga kamay na nagkukubli sa alaalang naguugnay at para hindi na masaktan

Ihakbang mo ulit ang iyong mga paa at ipagpatuloy ang kwentong nasimulan

At patuloy na maniwala na titigil rin ang pagulan

Kumapit ka lang, kumapit ka sa kamay na hindi ka kailanman bibitawan

hindi tulad ng pagbitaw mo sa kaniya dahil ika'y sumuko na

Habang lumalakad sa daan, bigyan mo ulit ng pagkakataon ang sarili mo na maghilom na dulot ng mga masasakit na nangyari sa nakaraan

Huwag mo ring kalimutang patawarin ang iyong sarili

Palayain mo na ito sa mga kadenang humihila sayo papalayo sa totoong idinisenyo sayo

Marapat mong maranasan ang kasihayaan at kapayaan

Mawala at humiwalay man ang naging dahilan ng pagbuo ng tulang ito

Ipangako mo sa sarili mo na ipagpapatuloy mo ang kwentong nasimulan mo

Dahil kahit sa pamamagitan nito maibabahagi mo ang mga hindi masabi ng puso mo

Sana balang araw mabasa mo rin ang tulang ito

At gusto kong malaman mo na sa bawat yugto ng kwentong ito kaibigan pa rin ang turing ko sayo

Nakatatak pa rin ang mga salitang sinambit mo

Ngunit binigo ako nito

Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sayo nagkaroon ako ng kwentong maibabahagi ko sa buong mundo

Masakit man na lumakad kana papalayo sa tabi ko

Laging nakatatak sa puso ko na sa kabila ng mga sakit na aking naranasan

Hindi ako hihinto na maniwala at magtiwala

Ngunit sa pagkakataong ito ibibigay ko ang tiwala sa mga taong handang pahalagahan ito

Ipagkakatiwala ko na sa may likha na siyang magpupuno ng mga pagkukulang ng mundo

At ang bahagharing sumisimbolo ng isang pangako na matatapos rin ang maulang panahon ay magpapakita sa takdang panahon kung saan ipapaalala sayo na ang pangako ng Diyos ay kailanman hindi napapako.

avataravatar
Next chapter